Dating Pangulong Aquino dumating sa EDSA para sa anibersaryo ng People Power

By Alvin Barcelona, Den Macaranas February 25, 2017 - 04:26 PM

Edsa Noy2
Photo: Alvin Barcelona

Makaraang dumalo sa isang misa sa La Salle Greenhills ay naglakad patungo sa People Power Monument si dating Pangulong Noynoy Aquino kasama ang ilang mga kasamahan mula sa Liberal Party.

Kasamanang dumating ni Aquino sa kanto ng EDSA at White Plains Ave. si LP Preisdent Kiko Pangilinan, mga senador na sina Bam Aquino, Franklin Drilon at Risa Hontiveros at iba pang mga taga-suporta.

Tumangging magbigay ng pahayag si Aquino at hindi rin inaasahan ang kanyang pagsasalita sa entablado mamaya.

Sa kanyang panig, sinabi ni Pangilinan na importanteng alalahanin ang ipinaglaban ng mga Pinoy sa EDSA 31 taon na ang nakalilipas na siyang nagbigay daan sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa.

Inaasahan rin na aabutin ng hanggang gabi ang programang gagawin sa People Power monument dahil sa mga performance ng iba’t ibang mga banda mamaya.

Karamihan sa mga LP members na dumating sa event ay nakasuot ng kulay itim na damit tanda ng kanilang pagpapakita ng suporta sa kasamahan nina na nakakulong na si Sen. Leila De Lima.

 

EDSA noy1
Photo: Alvin Barcelona

TAGS: Aquino, edsa, pangilinan, People Power, Aquino, edsa, pangilinan, People Power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.