Paghuhukay sa mga labi ni Marcos iginiit ng grupong nag-rally sa EDSA
Gumawa ng eksena sa People Power monument ng isang anti-Marcos groups.
Sa pangunguna ng grupong #BlockMarcos, nilagyan nila ng pala na gawa sa polysterene o Styrofoam ang kamay ng mga rebulto sa taas ng monument.
Kasabay ito ng panawagan na alisin sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pinangunahan ni Father Robert Reyes ang grupo na nagsabing hindi na sila papaya na muling makabalik sa Malacañang ang pamilya Marcos.
Makalipas ang ilang minutong kilos-protesta ay kaagad din na umalis ang grupo para mag-rally sa harapan ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Sinabi pa ng grupo na kung kailangan ay aaraw-arawin nila ang pagra-rally para lamang ipaalala sa publiko ang malagim na bahagi ng bansa sa ilalim ng Batas Militar noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.