Bilang ng mga Pinoy na tambay dumami ayon sa survey
Aabot sa 11.2 milyong na mga Pilipino ang nanatiling walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa nasabing survey na ginawa sa pagitan ng December 3-6, nakapagtala ng record high na 25.1 percent mula sa 1,500 respondents o pag-angat na 6.7 % mula 18.4 % noong Setyembre.
Ito ang pinakamataas na naitala sa loob ng dalawang taon.
Sa kabila nito, tumaas naman ang pag-asa ng mga Pilipino na makakahanap sila ng trabaho.
Nakapagtala ng 48% na “high optimism on job availability” na mas mataas sa 44% noong Setyembre.
Base sa joblessness rate 12.2 % (5.5 million) ang kusang umalis sa kanilang trabaho habang 8.7 % (3.9 million) ang nawalan ng trabaho ayon sa kanilang “economic circumstances” at 4.3 % (1.9 million) ang nasa kategorya ng “first-time job seekers.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.