DOLE naghahanda na sa epekto ng pagsasara ng ilang minahan
Nakahanda na ang Department of Labor and Employment na bigyan ng trabaho ang libu-ibong manggagawa na mawawalan ng hanap-buhay dahil sa napipintong pagpapasara sa 23 mining companies.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pinulong na niya ang mga regional officials ng kagawaran para maglatag ng action plan.
Dagdag ni Bello, nagpadala na ang DOLE ng technical staff sa labingapat na kumpanya ng minahan upang magsagawa ng pag-aaral.
Magsusumite ang mga apektadong kompanya ng kanilang transition/action plan at proposal sa DOLE provincial office.
Ayon kay DOLE CARAGA Regional Director Evelyn Ramos, mahalaga ang transition plan upang maalalayan ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
Nauna nang sinabi ni DENR Sec. Gina Lopez na ipapalit ang green tourism project ng gobyerno sa mga isasarang minahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.