Watch: U.S Embassy maagang binulabog ng mga militanteng grupo
Nilusob ng mga militanteng miyembro ng Kadamay at ilan pang urban poor organizations ang U.S Embassy.
Pasado alas-nueve ng umaga nang kanilang okupahan ang kanto ng United Nations Avenue at Roxas Blvd. kung saan ay kaagad silang sinalubong ng ilang tauhan ng crowd dispersal team mula sa Manila Police District.
Isinisigaw ng mga ralyista ang pagpapalayas ng tropa ng U.S sa bansa.
Nagkaroon rin ng tensyon sa gitna ng kilos-protesta makaraan silang tangkaing paalisin sa lugar ng mga pulis sa tulong ng fire truck mula sa Bureau of Fire Protection.
Sinabi ng grupo na susugod din sila sa People Power Monument mamaya para makiisa sa paggunita sa anibersaryo ng EDSA revolution.
Grupong Kadamay at iba pa, sumugod sa tanggapan ng US Embassy | @chonayu1 pic.twitter.com/yLG9uxJS45
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 25, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.