Duterte, tiniyak sa China na hindi dadaanin ng Pilipinas sa dahas ang isyu sa West Philippine Sea
Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng China na magiging marahas na ang pilipinas sa pag angkin sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos umalma ang China sa pahayag ni Foreign Affaiars Secretary Perfecto Yasay na nababahala na umano ang asean kaugnay sa ginagawang pagtatayo ng mga istruktura sa pinagaagawang West Philippine Sea o South China Sea.
Sa talumpati ng pangulo sa turn over ng rehabilitation facility ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry sa Sitio Maag, Brgy. Peñaplata, Davao del Norte, sinabi nito na hindi lang naintinihan ng China si Yasay.
Kinumpirma rin ng pangulo na dapat sana ay dadalo sa turn over kahapon ang commerce minister ng China subalit sa hindi malamalang dahilan ay biglang nagkansela ang opisyal.
Nabatid na magkakaroon sana ng signing ang commerce minister ng China at Pilipinas ng 40 joint projects na nagkakahalaga ng bilyong dolyar subalit naudlot ito.
Pagtitiyak pa ng pangulo, kaibigan pa rin ang turing niya sa China.
Ayon sa pangulo, darating ang panahon na ididiga niya sa China ang arbitral ruling sa West Philippine Sea kapag naging maayos na ang relasyon ng China at Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.