Hinamon ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigp Duterte na magbago na.
Ginawa ito ni Robredo sa harap ng mga dumalo sa isang event sa UP Diliman tungkol sa 1986 People Power Revolution.
Sa kanyang talumpati, nanawagan ito sa pangalan ng mga Pilipino kay pangulo na tutukan sa malaking giyera kontra sa kahirapan.
Sinabi ni Robredo na marami sa mga Pilipino ngayon ang nagugutom, walang hanapbuhay at mahirap.
Sinabi din nito na dapat igiya ni pangulo ang bansa sa pagrespeto sa rule of law sa halip na pagbalewala dito at pagtataguyod ng karapatang pantao sa halip na pang-aabuso dito.
Dagdag ni Robredo, marapat din na maging pinuno ito na tulad ng ipinangak nito at itigil na ang pagsisinungaling at pagbaluktot sa katotohanan sa lipunan.
Nanawagan din ito sa bawat Pilipino na manindigan sa mga pag atake sa karapatan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.