2 NPA patay sa engkwentro sa Capiz

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Dalawang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo sa Capiz kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Ericson Rosana ng 3rd Infantry Division, naganap ang engkwentro dakong 3:40 ng hapon na tumagal ng 30 minuto.

Nagpang-abot ang mga sundalo ng 61st Infantry Battalion at pitong rebelde sa Sitio Maknoy sa Barangay Jebaca sa Maayon, Capiz.

Dalawang rebelde ang nasawi at narekober ng mga sundalo ang dalawan shotguns na may bala at dalawang granada.

Read more...