Dating opisyal ng DENR, sinampahan ng kaso ng Ombudsman
Sinampahan na ng Ombudsman ng kasong kriminal ang dating direktor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Jacob Meimban Jr.
Patungkol ito sa diumano’y hindi nito paglalagay sa pangalan ng kaniyang asawa sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa 2007.
Si Meimban ay kinasuhan ng perjury at paglabag sa Section 8 alinsabay sa Section 11 ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Base sa impormasyon na isinumite ng anti-graft body sa Sandiganbayan, sadyang hindi idineklara ni Meimban ang pangalan ng kanyang maybahay sa kanyang 2007 SALN nang isulat nito ang “N/A” o not applicable sa espasyo para dito, kahit na alam nito na hindi pa tuluyang naa-annul ang kasal nito sa kanyang misis.
Ayon sa mga state prosecutor, malinaw na perjury ang ginawa ni Meimban sa kanyang sinumpaang SALN.
Ang ginawa ng respondent ay nagresulta sa non-disclosure ng mga financial at business interest nito sa kanyang asawa na isang paglabag sa code of conduct.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.