Ambush umano sa misis ng isang high-profile inmate, hindi totoo ayon sa Makati police

By Kabie Aenlle February 25, 2017 - 04:51 AM

aguirre (1)Walang natanggap ang Makati City police na report tungkol sa anumang insidente ng pamamaril sa lungsod kahapon, na katulad ng umano’y kinasangkutan ng asawa ng isang high profile inmate.

Ibinunyag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na tinambangan umano ang sasakyan ni Lalaine Marigal Martinez na asawa ng convicted kidnapper Noel Martinez, at pinsan ni dating Sen. Jamby Madrigal.

Sa panayam ng Inquirer sa hepe ng Makati police na si Senior Supt. Dionisio Bartolome, walang natanggap ang kanilang Tactical Operations Center ng anumang insidenteng kinasangkutan ng isang Lalaine Madrigal Martinez.

Base sa pahayag ni Aguirre, nangyari ang pananambang sa may Sta. Ana race track na ngayon ay Circuit Makati na.

Wala rin namang natanggap na report ang Santa Ana police station ng Manila Police District na sumasakto sa pahayag ni Aguirre.

Unang sinabi ni Aguirre na si Martinez ang nagsabi sa kaniya na sina Madrigal at Laguna Rep. Marlyn Alonte ang nasa likod ng alok na P100 milyon sa mga inmates ng Bilibid para baliktarin ang pahayag nila laban kay Sen. Leila de Lima.

Pinabulaanan naman ito nina Madrigal at Alonte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.