QCPD: Walang road closures sa EDSA People Power anniversary
Walang isasarang kalsada ang Quezon City Police District (QCPD), at wala rin silang gagawing rerouting para sa mga aktibidad na gagawin sa EDSA bilang pag-gunita sa ika-31 anibersaryo ng People Power Revolution ngayong araw.
Ito’y kahit pa ilang protesta o rallies na ang nakatakdang gawin sa halos buong araw ng Sabado, February 25 tulad ng nakagawian tuwing EDSA anniversary.
Gayunman, pinayuhan ng QCPD ang mga motorista na asahan na ang mas mabagal o mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA partikular ang Santolan, Ortigas at White Plains.
Dahil dito, hinihimok ng QCPD ang mga motorista na alamin ang mga alternatibong ruta at gamitin ito upang hindi maipit sa trapiko.
Ilang grupo mula sa iba’t ibang sektor ang inaasahang magtitipun-tipon mula Sabad ng umaga hanggang hatinggabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.