Publiko inabisuhan ng pinag-iingat ng globe sa pekeng website

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2017 - 08:27 PM

Globe TelecomInabisuhan ng kumpanyang Globe ang publiko hinggil sa kumakalat na pekeng website umano ng kumpanya.

Ayon sa Globe, ang website na https://globetelecom.ph ay hindi “official Globe online property” at hindi kunektado sa kanila.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na umano ang Globe Telecom sa mga otoridad para permanenting maipaalis ang nasabing website.

Payo ng Globe, iwasang makipagtransaksyon at magbigay ng mahahahalagang impormasyon sa nasabing pekeng website.

Kung mayroon aniyang pagtatangka na sila ay lokohin gamit ang nasabing pekeng website, sinabi ng Globe na mabuting agad itong isumbong sa kanila.

Para sa mga impormasyon, ang tanging official website umano ng Globe Telecom ay ang https://globe.com.ph.

Maari ding makipag-ugnayan sa kanilang ang mga customer sa pamamagitan ng Twitter channels na @enjoyGLOBE at @Talk2GLOBE; Facebook page na Globe Telecom; o ‘di kaya ay sa viber.

 

 

TAGS: Globe Advisory, globe telecom, Globe Advisory, globe telecom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.