Pagtataas ng kontribusyon, tuloy ayon sa SSS
Mariing itinanggi ng Social Security System (SS) ang pinakakalat na balita na iniurong na nila ang planong pagtataas sa buwanang kontribusyon ng mga SSS members.
Reaksyon ito ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc sa naging pahayag ni dating Bayanmuna Partylist Rep. Neri Colmenares.
Iginiit ni Dooc na wala silang ganoong uri ng anunsyo o pagbawi.
Katunayan, ang rate hike sa monthly contribution ay bahagi aniya ng reform agenda ng SSS na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay aniya ng dagdag na benepisyo ng mga SSS retirees, inaprubahan din ni Pangulong Duterte noong January 10, 2017 ang dagdag sa premium para mas mapalago ang investment reserved fund ng ahensya.
Katulad din aniya ng dagdag na isang libong piso sa pensyon, ipapatupad din nila ang dagdag na kontribusyon oras na matanggap nila ang nilagdaang kautusan para dito mula sa Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.