Mga motorista inabisuhan ng MMDA sa mga aktibidad sa White Plains at EDSA bukas sa anibersaryo ng People Power

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2017 - 04:32 PM

mmdaPinayuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang ilang bahagi ng EDSA bukas dahil may mga aktibidad na idaraos para sa 31st EDSA People Power Revolution anniversary.

Sa abiso ng MMDA, pinaiiwas ang mga motorista sa bahagi ng White Plains Avenue at sa EDSA-Santilan-Ortigas.

Ito ay dahil sa inaasahang pagsisikip sa daloy ng traffic na maaring maranasan sa nasabing mga lansangan bunsod ng mga isasagawang aktibidad.

Samantala, magpapatupad ang MMDA ng zipper lane sa westbound lane ng White Plains Avenue.

Ito ay upang kahit papaano ay maibsan ang pagsisikip sa daloy ng traffic na maaring maidulot sa bahagi ng eastbound lane ng White Plains na palabas ng EDSA.

Samantala, nagpa-abiso din ang MMDA sa isasagawang pagkilos bukas sa Quirino Grandstand sa Maynila ng mga grupong sumusuporta sa laban ng administrasyong Duterte kontra ilegal na droga.

Ayon sa MMDA, batay sa abiso ng mga grupong lalahok sa gagawing vigil, aabot sa 1.5 na milyon ang magtutungo sa Quirino Grandstand simula alas 5:00 ng hapon bukas (February 25 hanggang sa alas 2:00 ng hapon sa Linggo sa February 26.

Dahil dito, sinabi ng MMDA na maari ding makaranas ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa lugar partikular sa bahagi ng Roxas Boulevard.

 

 

 

TAGS: edsa, mmda, People Power Revolution anniversary, Traffic Advisory, White Plains, edsa, mmda, People Power Revolution anniversary, Traffic Advisory, White Plains

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.