Dating Sen. Madrigal, itinanggi ang panunuhol sa high-profile inmates; Aguirre, pinahihingi ng paumanhin
Itinanggi ni dating Senador Jamby Madrigal ang mga alegasyong siya ang nanuhol sa mga high-profile inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) kapalit ng pagbawi ng mga ito sa mga testimonya nila laban kay Senator Leila De Lima.
Sa alegasyon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, sinabi nitong si Madrigal at Biñan City representative Marlyn Alonte-Naguiat ang nag-alok ng suhol na P100 milyon sa mga preso na tumestigo laban kay De Lima, sa pamamagitan ni Lalaine Madrigal-Martinez, na asawa ni Noel Martinez.
Ayon kay Madrigal, hindi niya kilala si Martinez at hindi rin totoo na kinausap niya ito para mag-alok ng kahit na ano.
Tinawag ni Madrigal na kuryente ang mga impormasyon na ipinakakalat ni Aguirre.
Sinabi ni Madrigal na inaasahan niyang hihingi ng paumanhin sa kaniya si Aguirre dahil sa malisyosong alegasyon nito.
“The head of the Department of Justice is supposed to be ensuring not just the rule of law, but sobriety in its application. He is not supposed to be in the business of peddling conspiracy theories, much less engaging in character assassination.” Ayon kay Madrigal.
Si Madrigal ay kasalukuyang nasa ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.