2 sa 4 na asawa ng namatay na bus driver sa aksidente sa Tanay, Rizal nagpang-abot sa LTFRB

By Ricky Brozas February 24, 2017 - 02:33 PM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagpang-abot sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawa sa apat na asawa ng namatay na driver ng Panda Coach Tours na si Julian Lacorda Jr.

Pero imbes na magkagulo o mag-away, nagkasundo sina Erlinda Lacorda na tubong Surigao, 42-anyos, at legal na asawa ni Lacorda at si Bernadette Berkman, 40-anyos ng Cogeo, Antipolo City.

Nabatid na apat ang iniwang supling ni Lacorda kay Erlinda habang dalawa naman kay Bernadette.

Nagtungo si Erlinda sa LTFRB para doon tanggapin ang P200,000 na halaga ng insurance mula sa SCCI Management and Insurance Agency Corporation.

Nangako naman si Erlinda kay Bernadette na hahatiin niya sa tatlo ang benepisyo kasama na ang ikatlong asawa ng mister.

Wala namang balak si Erlinda na bigyan ang ikapaat na asawa ng kanyang mister na taga-Bulacan dahil mahirap umano itong kausap.

 

 

TAGS: best link college, Panda Coach bus, tanay rizal accident\, best link college, Panda Coach bus, tanay rizal accident\

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.