Kulungan ni De Lima, may bentilador, sariling CR, disente at ligtas
Kumpirmado nang sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame si Senator Leila De Lima.
Matapos dalhin sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) si De Lima para sa return ng warrant, iniutos ng korte na sa Custodial Center ito makulong.
Ayon kay Atty. Alex Padilla, abogado ni De Lima, nakasaad ang utos sa commitment order ni Judge Juanita Guerrero ng Branch 204.
Saglit lamang namalagi sa Muntinlupa RTC si De Lima at agad ding umalis ang convoy nito para ibalik siya sa Camp Crame.
Matapos makaalis si De Lima, dumating naman ang sasakyan na naghatid kay Ronie Dayan sa Muntinlupa RTC para din sa return ng warrant.
Samantala, may bentilador at may sariling CR ang magiging kulungan ni De Lima.
Tiniyak din ng PNP na disente at ligtas ang detention facility kung saan mamamalagi ang senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.