Bata, patay sa sunog sa QC

fireNasawi sa sunog na naganap sa Barangay Payatas sa Quezon City ang isang walong taong gulang na batang lalaki.

Ang bata ay naiwan sa kanilang bahay dahil nangangalakal ng basura ang kaniyang magulang kasama ang dalawa niyang kapatid.

Nagsimula ang sunog pasado alas 10:00 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma bago maideklarang fire out makalipas ang isang oras.

Tatlong bahay at tatlong junk shop ang natupok dahil sa nasabing sunog.

Mayroon ding dalawang residente na nasugatan matapos magtamo ng sunog sa braso at mukha.

Habang isang lalaki ang kinailangang lapatan ng lunas sa rumespodeng ambulansya dahil nahirapang huminga.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Quezon City Fire Department kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

Read more...