Pagkakadawit ng pangalan ni Rep. Alonte sa panunuhol sa Bilibid high profile inmates, iimbestigahan ng kamara

By Isa Avendaño-Umali February 24, 2017 - 10:08 AM

Rep. Len Len AlontePinaimbestigahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagkakasangkot ni Biñan City, Lone District Rep. Marlyn “Len” Alonte-Naguiat at dating Senador Jamby Madrigal sa umano’y panunuhol sa isang Bilibid inmate para umatras sa nauna niyang testimonya laban kay Senador Leila de Lima.

Sinabi ni Alvarez na dapat alamin ang puno’t dulo ng nasabing isyu dahil nakikitaan ng pattern ng panggulo at destablisasyon sa pamahalaan.

Ang una na aniyang panggugulo ay nang pilit na ipa-retract ang testimonya ni retired SPO3 Arturo Lascañas kaya naman nagmukha itong joker.

Ngayon naman ay mismong sa bibig ng sinuhulan na nagmula na inalok siya ng P100 milyon para bawiin ang naunang pahayag nito laban kay De Lima, ay mayroon pa rin laro ang dating administrasyon.

Idinagdag pa ni Speaker Alvarez na si Alonte-Naguiat ay kamag-anak ng dating Pagcor Chairman kaya malaking pera ang naglalaro ngayon para sa destabilisasyon kontra sa gobyerno.

Kaya kailangan aniya itong imbestigahan ng kamara dahil sa nakasalalay ang national security ng bansa.

 

 

 

TAGS: bilibid drug trade, Binan City, leila de lima, Len Len Alonte, bilibid drug trade, Binan City, leila de lima, Len Len Alonte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.