Arresting team mula PNP-CIDG, maagang dumating sa senado

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz February 24, 2017 - 06:28 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Bago pa lamang mag-alas sais ng umaga, dumating na sa senado ang team mula sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Ito ay makaraang mabigo kagabi ang arresting team na maisilbi kay Senator Leila De Lima ang arrest warrant sa bahay nito sa Parañaque City at agad ding bumalik sa senado para doon magpalipas ng gabi.

Ayon kay Senate Sgt-At-Arms Jose Balajadia Jr., base sa unang napagkasunduan ng senado at ng PNP alas 10:00 ngayong umaga na isisilbi ang warrant of arrest.

Pero maaga pa lamang dumating na sa senado si PNP-CIDG Director, Chief Supt. Roel Obusan para sa inaasahang pagsuko ni De Lima.

Sinabi ni Balajadia, siya ang susundo kay De Lima sa opisina nito at saka niya dadalhin sa mga otoridad.

Ihahatid din aniya ng senate security si De Lima sa Camp Crame.

Ani Balajadia, hindi poposasan si De Lima dahil nagpahayag naman ito ng kahandaang sumuko.

Samantala, sinabi ni running priest, Fr. Robert Reyes, saglit lamang nakapagpahinga at nakatulog ang senadora.

Nagsisilbing spiritual adviser ni De Lima si Reyes. Ani Reyes, matagal na niyang kaibigan si De Lima.

May mga supporters aniya si De Lima na darating ngayong umaga sa senado para magtipon-tipon at magpakita ng suporta sa senadora.

 

 

 

 

TAGS: Bilibid, CIDG, drugs, leila de lima, Muntinlupa Court, Philippine Senate, PNP, Senate, warrant of arrest, Bilibid, CIDG, drugs, leila de lima, Muntinlupa Court, Philippine Senate, PNP, Senate, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.