Kinakarma na si Senador Leila de lima.
Pahayag ito ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 laban kay De Lima kaugnay sa kasong drug trafficking na kinakaharap nito bunsod ng kanyang naging partisipasyon sa operasyon ng illegal na droga sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Panelo, dumaan sa tamang proseso ang pagpapa-aresto kay De Lima at mananatiling inosente siya hangga’t proven guilty.
Taliwas aniya ito sa ginawa ni de lima noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Matatandaang sinuway noon ni De Lima ang temporary restraining order na inilabas ng Supreme Court kaugnay sa lifting ng arrest order kay Arroyo.
Paliwanag ni Panelo, mabibigyan na ngayon ng pagkakataon si De Lima na maidepensa ang sarili sa tamang lugar at hindi sa harap ng media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.