Sandra Cam, lumusob sa Senado para kundinahin ang hindi pag-aresto kay De Lima
Lumusob sa Senado si Sandra Cam matapos niyang mabalitaan na bumalik sa Senado si Sen. Leila De Lima, upang magbigay ng suporta sa agarang pagpapagpapakulong sa Senadora.
“Ako ay nandito para makita ko kung paano siya arestuhin ng CIDG, kaya lang itong senado ay nakipag sabwatan kay (Sen. Leila) De lima, na mabigyan siya ng oras hanggang tommorow 10am,” ani Cam.
Si Cam ay nagtungo sa Senado kasama ang may 20 katao na pawang nakasuot ng dilaw na t-shirt na may nakaprint sa harapan na “Karma Delima” at sa likuran naman ay “Delima hindi ka nag iisa…Noynoy susunod kana.”
“Kasi naninilaw na siya sa takot kasi makukulong na siya kasi wala namang forever sa pwesto niya kagaya nyan may kaso siya madali siyang matatanggal, karma yan eh, karma yan ginagawa niya, kagaya nung pinakulong niya nung una,” paliwanag ni Gigi Pasilan, lider ng grupo, kung bakit sila naka-dilaw.
Mariin naman kinundena ni Sandra Cam ang pagharang ng Senado na maaresto na kagabi si Sen. De Lima, dahil hindi umano dapat pagbigyan ang hiling ng Senadora.
“Isa lang ang sasabihin ko, isa kang kriminal ngayon under case is drug, about drug. Hindi dapat ikaw pagbigyan, dapat kuhain ka na kagad at dalhin ka sa city jail para mong maramdaman yung ginawa mo nung ikaw ay nasa poder,” giit ni Cam.
Hindi rin umano dapat respetuhin ang senadora dahil aniya, isang “sex maniac” at “exhibitionist” si De Lima.
Handa naman maghintay ang mga naturang anti-De Lima hanggang sumapit ang alas-10:00 ng umaga mamaya, para personal nilang makita ang pag-aresto sa senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.