6 na tropa ng gobyerno, palalayain na ng mga rebelde
Isinasapinal na ng mga rebeldeng komunista ang pagpapalaya sa anim na sundalo, militamen at pulis na nasa kanilang kustodiya sa Mindanao.
Ayon sa tagapagsalita ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Mindanao na si Joaquin Jacinto, ang mga palalayain nila ay sina PO2 Jerome Anthony Natividad, PFC Edwin Salan, Sgt. Solaiman Calucop, at PFC Samuel Garay.
Mayroon pa aniyang pakakawalan na dalawang bihag ang isang unit ng New People’s Army (NPA) na hindi na niya pinangalanan.
Gayunman, posibleng ito ay ang mga militiamen na sina Rene Doller at Carl Mark Nucos na dinukot sa Lupon, Davao Oriental noong February 14.
Paliwanag ni Jacinto, ang desisyon nilang palayain ang mga nasabing tauhan ng gobyerno ay bilang pagpapakita ng pagsuporta nila sa panunumbalik ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.