MMDA, nagbawas ng night-shift traffic enforcers
Binawasan ng Metropolitan Manila Development Authority (MDMA) ng kalahati ang kabuuang bilang ng mga traffic aides nila na nakatalaga sa nightdhift.
Ito ay dahil sa tumataas na bilang ng mga reklamo ng pangongotong, na karamihan ay pawang mula sa mga driver ng truck.
Mula sa dating 700, nabawasan ng kalahati ang mga enforcers na nakakalat mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga, simula February 22.
Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, karamihan sa mga nagrereklamo ay mga driver ng truck na dumadaan sa R10, A. Bonifacio Avenue, C5 Road at Mindanao Avenue.
Wala dapat aniyang mga traffic enforcers na nakatambay lang, dahil kadalasang sa mga ganitong sitwasyon nangyayari ang pangongotong.
Kadalasan pa aniyang nagtatago ang mga ito at biglang susulpot para mangotong, na ipinagbabawal sa kanilang ahensya.
Isang grupo naman ng mga piling enforers ang itatalaga para lumibot sa Metro Manila sakay ng motorsiklo, sa lalong madaling panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.