Imbestigasyon sa pag-baliktad ni Lascañas, hindi haharangin ng Palasyo

By Chona Yu February 24, 2017 - 04:57 AM

Arthur LascanasTiniyak ng Palasyo ng Malacañang na malaya ang Senado na ituloy ang binabalak na imbestigasyon kaugnay sa mga naging pahayag ni retired SPO3 Arthur Lascañas.

Sa pahayag ni Lascañas, miyembro umano siya ng Davao Death Squad at direktang inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang ilang drug personalities sa Davao noong mayor pa ang pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi haharnagin ng Palasyo ang anumang hakbangin ng Senado kaugnay ng pahayag na ito.

Matatandaang isang araw matapos ang mga naging pahayag ni Lascañas, nagkaroon ng pakikipagpulong sa pagitan ni Pangulong Duterte at ng mga senador.

Pero ayon kay Abella, hindi tinalakay sa naturang pagpupulong ang isyu kay Lascañas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.