Nanalo ang Australian na si Jason Day sa PGA Championship sa itinuturing na ‘historic fashion’ laban kay Jordan Spieth ng Estados Unidos.
Si Day ay may dugong Pinoy dahil ang kaniyang ina ay isang Pilipino.
Ang pagkakawagi ni Day sa nasabing tournament ay kauna-unahan niyang grand slam title kung saan nakamit nito ang kabuuang 20-under par. Ginanap ang laban sa Wisconsin, Milwaukee.
Dahil sa kaniyang naitalang score, na-break ni Day ang major – record ni Tiger Woods na 19-under set noong 2000 British Open.
Ang ina ni Day na si Dening ay tubong Tacloban, pero nag-migrate ito sa Australia mahigit 30 taon na ang nakararaan.
Noong nanalasa ang bagyong Yolanda sa Pilipinas, walong kaanak ni Day ang nasawi kabilang ang kaniyang lola./ Dona Dominguez-Cargullo