Mosul airport, nabawi na ng Iraqi forces mula sa ISIS

February 24, 2017 - 04:53 AM

(AFP Photo/Ahmad AL-RUBAYE)
(AFP Photo/Ahmad AL-RUBAYE)

Matapos ang ilang buwang opensiba, nabawi na ng Iraqi forces ang paliparan ng Mosul, na hawak ng Islamic State.

Nasa ilalim na ngayon ng Iraqi Federal Police ang naturang paliparan na halos masira na dahil sa matinding bakbakan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at ISIS.

Sunod na target na bawiin ng puwersa ng gobyerno ang main electrical power station nanagsusuplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Mosul.

Sa ngayon, ayon sa ilang mga residente, umatras na puwersa ng ISIS at naghahalughog sa mga bahay-bahay at naghahanap ng mga cellphone sa pag-asang makakatawag sa kanilang mga kasamahan.

Ilang buwan na ring tumagal ang opensiba ng Iraq Federal Police sa pag-asang mababawi ang mga teritoryong kinubkob ng Islamic State.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.