Aguirre kay De Lima: Bakit kinakailangan pang mag-drama tayo ng ganito?

By Kabie Aenlle February 24, 2017 - 05:02 AM

De-Lima-Vitaliano-AguirreIginiit ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na hindi dapat naka-depende sa “convenience” ni Sen. Leila de Lima ang pag-aresto sa kaniya ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Aguirre, sinabi niyang ang paghahain dapat ng warrant of arrest ay “compulsory” dahil ito ang utos ng husgado.

Gayunman ayon sa kalihim, bagaman inirerespeto ng arresting team ang Senado bilang institusyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Office of the Sargeant at Arms, si De Lima naman ang hindi gumagalang sa arrest warrant.

Tila inabuso aniya ni De Lima ang ibinigay na pagkakataon sa kaniya para makauwi sandali at makapag-ayos ng kaniyang mga gamit.

“Siyempre inaalala naman ng CIDG operatives na aaresto sa kaniya, ay dapat makipag-coordinate, in the spirit ng paggalang sa Senado. Pero parang inaabuso yun sapagkat, despite the fact na pinayagan na umuwi sa bahay para makapag-gayak ng kaniyang gamit na dadalhin sa kaniyang piitan, ang ginagawa niya ngayon ay pumunta pa siya doon sa Senado,” ani Aguirre.

Inirespeto naman na aniya ng CIDG ang sinabi ni Pimentel, ngunit dapat ay may hangganan din ito.

Aniya kay De Lima, “Bakit kinakailangan pang mag-drama tayo ng ganito?”

Dagdag pa ni Aguirre, maaring wala nga talagang balak tumakas ang senadora ngunit hindi pa rin siya ang dapat mag-dikta nito kundi ang husgado.

Paliwanag ng kalihim kay De Lima, nakasaad sa warrant of arrest na dapat siyang arestuhin “immediately” at hindi “at your own convenience.”

Binalikan rin ni Aguirre ang sinabi noon ni De Lima na handa siyang magpaaresto, ngunit kinwestyon niya kung bakit ngayong may warrant na, ayaw namang magpa-aresto ng senadora.

Mistula rin aniyang si De Lima naman ngayon ang gumagamit ng privilege na unang inakusa ng senadora na ibinibigay ni Aguirre sa mga inmates sa AFP detention center.

“Samantalang iyon ngang sinasabi niya, inaakusahan niya nga ako ng binibigyan ko daw ng privileges iyong mga inmates diyan sa AFP detention center, tapos siya naman ang nag-exercise ng privilege na yan?” ani Aguirre.

Samantala, nilinaw ni Aguirre na kahit anong mangyari ay hindi na maaring mapigil ang pag-aresto kay De Lima dahil nailabas na ng korte ang warrant of arrest. /

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.