De Lima susunduin na ng CIDG, Ronnie Dayan arestado na

de-lima-dayanNakaalis na sa Camp Crame ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR) para arestuhin si Sen. Leila De Lima.

ito ay base sa ginagawang pagmomonitor ng mga staff ng senador.

May nakuha rin silang impormasyon na naarestona sa Urbiztondo sa lalawigan ng Pangasinan si Ronnie Dayan na ipinaaaresto rin ng hukuman kasama si dating NBI Deputy Director  Rafael Ragos.

Ang nasabing kautusan ay bilang pagsunod sa utos ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero na arestuhin si De Lima kaugnay sa kasong may kaugnayan sa illegal drug trade.

Bago mag-alas otso ng gabi kanina ay nakalabas na sa gusali ng Senado ang convoy ni De Lima.

Sa kanyang pahayag sinabi ng senador na uuwi muna siya sa kanilang bahay at bukas ng umaga ay babalik siya sa Senado para isuko ang kanyang sarili sa mga otoridad.

Tiniyak rin ni De Lima na hindi siya tatakas bagkus ay haharapin niya ang mag kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa droga.

Sa kanilang panig, sinabi ng mga senador na kasama ni De Lima sa Liberal Party na buo ang kanilang paninindigan na dapat sa Sandiganbayan isinampa ang mga kaso at hindi sa RTC.

Read more...