Sen. De Lima nangakong susuko sa mga otoridad bukas

By Den Macaranas February 23, 2017 - 07:38 PM

De Lima1
Inquirer photo

“Tuloy ang laban ni Leila De Lima”.

Yan ang huling pananalita ni Sen. Leila De Lima makaraan siyang humarap sa mga miyembro ng media ngayong gabi sa Senado.

Kasama ang mga kapwa miyembro ng Liberal Party, sinabi ni De Lima na habang wala pa ang warrant of arrest laban sa kanya ay uuwi muna siya sa kanilang bahay para makapiling ang mga miyembro ng pamilya.

Ihahanda na rin daw niya ang kanyang mga gamit na dadalhin sa kulungan.

Hindi napigilan ni De Lima ang lumuha habang sinasabi na gusto niyang makasama sa magdamag ang kanyang pamilya.

“Tulad po ng ipinangangako ko, hindi ako tatakas, magtatago at haharapin ko ang mga kaso nila laban sa akin”, dagdag pa ng mambabatas.

Ipapaubaya na lamang umano ni De Lima sa kanyang mga abogado ang susunod nilang legal moves kaugnay sa kaso na kanyang kinakaharap may kaugnayan sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid.

Nagpasalamat rin ang mambabatas sa kanyang mga tagasuporta at mga kapwa senador na miyembro ng Liberal Party.

Makalipas ang kanyang maiksing pahayag ay kaagad na nilisan ni De Lima ang gusali ng Senado.

TAGS: de lima, drugs, rtc, sandiganbayan, senate, warrant, de lima, drugs, rtc, sandiganbayan, senate, warrant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.