Nakita ng mga residente ang nawawalang eroplano ng Trigana Air Service na bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Oktabe District sa Papua Province.
Ayon kay Indonesia air transportation director general Suprasetyo, magsasagawa na ng aerial at ground search ang search and rescue teams sa lugar.
Ang nasabing eroplano ay may 54 na sakay nang bigla na lamang mawalan ng contact dito, Linggo ng tanghali.
Umalis ng Sentani Airport sa Japayapura alas 2:22 ng hapon ng Linggo ang nasabing eroplano at dapat ay lalapag sa Oksibil alas 3:16 ng hapon.
Wala umanong distress call mula sa eroplano bago ito mawala sa radar.
Kabilang sa sakay ng nasabing eroplano ang 44 na adult passengers, limang bata at limang crew members./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.