Pina-iimbestigahan na ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño ang ginawang pag-takeover ng 70 mga armadong kalaalkihan sa Ocean Adventure sa loob ng dating U.S military base.
Pinagpapaliwanag na rin ni Diño si SBMA Administrator Wilma Eisma kung paanong na-takeover ng mga armadong kalalakihan ang nasbaing theme park.
Ipinaliwanag ni Diño na may labor dispute sa Ocean Adventure pero mali naman na gamitan ng dahas ang pagkuha sa operasyon nito.
Nais ding malaman ng opisyal kung paanong nakapasok sa SBMA ang mga armadong kalalakihan gayung mahigit sa 800 ang kanilang mga security personnel.
Noon pang February 13 sinasabing nakuha ng nasabing grupo ang kontrol sa Ocean Adventure at nakikipag-ugnayan na rin ang SBMA sa PNP at Labor Department para sa maayos na ikareresolba ng tensyon sa lugar.