NCRPO handa na sa mga pagtitipon kaugnay sa EDSA anniversary

People power monument1
Inquirer file photo

Aabot sa 200 pulis ang ipakakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa People Power Monument sa Sabado kaugnay sa gagawing pagtitipon ng iba’t ibang mga grupo kaugnay pa rin sa paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power.

Isang daang pulis ang magmumula sa NCRPO Regional Public Safety Batalion habang ang iba naman ay magmumula sa QCPD District Public Safety Batallion.

Ayon kay NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde, idedeploy ang naturang mga pulis para matiyak na magiging mapayapa ang idaraos na programa ng ibat ibang grupo sa lugar kasabay ng ika-tatlumput isang taong anibersaryo ng EDSA People Power.

Giit ni Albayalde, pahihintulutan nila ang pagsasagawa ng protesta sa lugar kahit walang permit ang mga ito base na rin sa direktiba ng pangulo.

Pero dapat ay magiging mapayapa ito at hindi makakaperwisyo sa daloy ng trapiko dahil oras na magkaroon ng kaguluhan mapipilitan daw ang PNP na mang aresto at ipatupad ang batas.

Sa Biyernes ay pangungunahan naman ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power sa loob ng Camp Aguinaldo.

Samantalang sa Sabado rin ay magtitipon-tipon naman sa Luneta ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...