Ilang mga senador pinulong ni Duterte sa Malacañang

By Chona Yu February 23, 2017 - 03:21 PM

Abella2
Radyo Inquirer photo

Kinumpirma ng Malacañang na nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador noong Martes ng gabi.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang pangbabraso na ginawa ang pangulo sa mga senador para harangin ang pagbubukas muli ng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng Davao Death Squad (DDS).

Sinabi ni Abella na mismong si Senador Tito Sotto ang nagsabing hindi napag-usapan sa pulong ang kaso ni dating SPO3 Arthur Lascañas.

Marami anya ang maaring pag-usapan ng ilang senador na nakipagkita kay Pangulong Duterte na hindi na tinukoy kung sinu-sino ang nagpunta sa Malacañang at kung ano ang mga pinag-usapan.

Nauna na ring sinabi ni Sen. Ping Lacson na hindi sila kinausap ng pangulo para pigilin ang muling pagharap sa Senado ni Lascañas.

TAGS: abella, dutertel lascanas, abella, dutertel lascanas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.