‘High profile inmates na tumestigo laban kay De Lima, inalok ng P100-million kapalit ng pagbawi sa testimonya’ -Aguirrre

By Mariel Cruz February 23, 2017 - 12:29 PM

De-Lima-Vitaliano-AguirreIbinunyag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na inalok umano ng P100-million ang mga high profile inmates na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima.

Ito ay bilang kapalit ng pagbawi sa kanilang mga naging testimonya laban sa mambabatas.

Kabilang sa mga inmates na tumestigo laban kay De Lima ay sina Herbert Colanggo, Engelberto Aceñas Dureno, Vicenty Sy, Jojo Baligad at Wu Tuan Yuan o Peter Co.

Ang nasabing mga inmates ay nakadetine ngayon sa Custodial Center ng Armed Forces of the Philippines, kung saan din isinagawa ang umano’y pag-alok ng P100-million.

Ayon kay Aguirre, ginawa ang naturang alok ng isang dating senador na ipinadaan naman kay Clarence Dongail, isang dating police officer na nahatulan ng kasong kidnapping at murder.

Pero sinabi ni Aguirre na tinanggihan ng mga inmates ang nasabing alok.

Tumanggi naman si Aguirre na pangalana ang nabanggit na dating senador.

Ginawa ang bribe offer isang araw bago magsagawa ng hearing ang Muntinlupa Regional Trial Court sa hiling ni De Lima na ibasura ang drug charges na inihain laban sa kanya ng DOJ.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.