Jee Ick Joo, target na patayin; isang Korean national, iimbestigahan ang kaugnayan sa kidnap-slay case

By Jan Escosio, Mariel Cruz February 23, 2017 - 12:09 PM

Jee Ick JooIpinagpatuloy ngayong araw ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinangungunahan ni Sen. Panfilo Lacson ang imbestigasyon sa kaso ng “tokhang for ransom”.

Sa nasabing pagdinig, sinabi ni PNP AKG Chief Glenn Dumlao na, target na talagang patayin si Jee para mapatahimik na ito.

Ipinaligpit aniya si Jee dahil sa kaugnayan sa extortion activities sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi pa ni Dumlao na ang kaso ni Jee Ick Joo ay isang ‘assassination plan’ na naging ‘kidnap for ransom’.

Binanggit din ng opisyal na isang Korean national na nagngangalang Edward Yu-on ang nanghingi ng pera sa asawa ni Jee na si Choi Kyung Jin matapos ang pagdukot sa mister nito.

Humingi aniya ng P500,000 si Yu-on kay Choi na paghahatian naman umano ng AKG at NBI para mapabilis ang imbestigasyon sa kaso ng kanyang mister.

Ngayon aniya ay wala na silang impormasyon sa posibleng kinaroroonan ng naturang Koreano.

Iniimbestigahan na aniya ang nasabing Koreano at aalamin kung ano ang kaugnayan nito sa pagdukot at pagpatay kay Jee.

Kasabay din nito, parehong pinabulaanan ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police na mayroong Korean mafia na sangkot sa kidnap-slay case.

Present sa nasabing pagdinig sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, ang prime suspect sa kaso, at si Supt. Raphael Dumlao.

Imbitado naman bilang resource persons sa pagdinig sina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, Senior Supt. Glenn Dumlao, hepe ng PNP’s Anti-Kidnapping Group at NBI Director Dante Gierran.

Samantala, hindi nakadalo sa pagdinig si Dela Rosa dahil sa nakatakdang pagbisita nito sa burol ng apat na pulis na namatay sa Kalinga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.