Davao City, niyanig ng 4.6 magnitude na lindol; 2 sugatan sa pagbagsak ng isang waiting shed

DAVAO LINDOL
Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Davao City, Davao del Sur ngayong umaga.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig sa 9 kilometers West ng Davao City bandang 9:50 ng umaga.

May lalim na 15 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity IV sa Davao City at Instrumental Intensity I sa Kidapawan City.

Sinabi din ng Phivolcs na wala naman inaasahang aftershocks at hindi rin magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

Pero napaulat na dalawa katao ang sugatan matapos matamaan ng bumagsak na waiting shed sa Palma Gil St., Davao City

Read more...