Mga magsasagawa ng kilos protesta sa EDSA People Power anniversary, hindi haharangin ng Palasyo

By Chona Yu February 23, 2017 - 09:10 AM

EDSA Militants
FILE PHOTO

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na malayang makapagsasagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa February 25.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, maganda na maihayag ng publiko ang kanilang mga opinyon at damdamin.

Gayunman, apela ni Andanar sa mga magsasagawa ng kilos protesta, tiyakin lamang na hindi sila makakaabala sa daloy ng trapiko.

Balak ng iba’t ibang grupo na mag rally sa EDSA People Power Monument sa EDSA-Quezon City.

Apela pa ni Andanar, huwag lang maninira ng mga ari arian.

Bukod sa kilos protesta sa EDSA People Power Monument, may ikinakasa rin na malawakang pagkilos ang mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Luneta sa Maynila sa darating na Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.