Sec. Lopez: Mga kongresista, inalok ng P50-M para bumoto laban sa akin

By Kabie Aenlle February 23, 2017 - 05:05 AM

gina-lopez1Ibinunyag ni Environment Sec. Gina Lopez na may mga mambabatas na inalok ng P50 milyon kapalit ng pag-boto laban sa kaniyang confirmation.

Ito’y matapos niyang iutos ang pagpapasara sa 23 minahan, at ibasura ang 75 mining contracts na nakakaapekto sa mga watershed areas.

Hindi naman tinukoy ni Lopez kung sino ang nanuhol sa mga kongresista, at hindi rin niya binanggit kung kanino niya ito nalaman.

May nag-sabi aniya sa kaniya na bawat kongresista ay inalok ng P50 milyon sakaling bumoto ang mga ito laban sa kaniya.

Ayon kay Lopez, batid niyang makakaapekto ang kaniyang mga naging desisyon sa kaniyang confirmation dahil pinopondohan ng mga minahan ang mga political campaigns.

Aniya pa, hindi na niya alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari kaya ginagawa na lang niya kung ano ang tama.

Nakatakda na ang pagpunta ni Lopez sa Commission on Appointment sa March 1 para sa kaniyang confirmation hearing.

Samantala, sinabi naman ni Lopez na nang makausap niya si Pangulong rodrigo Duterte noong Lunes, patuloy pa rin ang pag-suporta nito sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.