Panawagang impeachment laban kay Pangulong Duterte, masyado pang maaga-Robredo

 

Premature pa para manawagan ng impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Vice President Leni Robredo, matapos na bawiin ni SPO3 Arthur Lascañas ang kanyang naunang pahayag sa Senado at aminin ang Davao Death Squad ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Robredo, masyado pang maaga na gamiting basehan ang mga pahayag ni Lascanas para sa impeachment complaint laban sa presidente.

Ang gusto ni Robredo ay mapakinggan muna kung ano sasabihin ni Lascañas para malaman kung may kredibilidad ba ito o wala.

Ikinagalak naman ni Robredo ang pagpayag ng senado na pakinggan ang bagong testimonya ni Lascañas.

Sa panawagan naman ni Senador Leila de Lima na ideklara si Pangulong Duterte na ‘incapacitated,’ sinabi ni Robredo na ayaw nya munang mag komento dahil hindi pa niya napapakinggan ang nasabing pahayag ng senadora.

Read more...