Gastos para sa 2020 Tokyo Olympics, maaring pumalo ng higit 26-bilyon dolyar
Nababahala na ang gobernador ng Tokyo sa patuloy na pag-taas ng gagastusin para sa 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Governor Yuriko Koike, may posibilidad pa rin na pumalo sa mahigit 3 trillion yen o $26 billion ang halaga ng gagastusin para sa Olympics, sa kabila ng kanilang mga cost-cutting.
Apat na beses na itong mas mataas kumpara sa halaga ng gastos na unang naplano, at magpapatuloy na ganito ang magiging halaga ng pagsasagawa ng Olympics kung hindi pa magtitipid ang mga organizers.
Aniya, wala pa silang nakukuhang final figure sa kung magkano talaga ang aabutin ng halaga nito.
Sa ngayon ay pagsubok na rin pa ra sa International Olympic Committee (IOC) na bawasan ang halaga nito, upang manatiling interesado ang iba pang mga bansa na mag-host ng Olympics.
Ayon pa kay Koike, hindi makabuluhan ang paggastos ng napakalaking halaga para lamang sa Olympics, kaya magsisilbing test case ang Tokyo para sa IOC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.