North Korean diplomat, hinihinalang may kinalaman sa pagpatay kay Kim Jong-nam
Hinahagilap na ngayon ng Malaysian police ang isang North Korean diplomat na hinihinalang may kinalaman sa pagpatay ng half-brother ni North Korean leader Kin Jong-un na si Kim Jong-nam.
Ayon kay Inspector-General of Police Khalid Abu Bakar, hinahanap nila ngayon ang dalawang bagong North Korean suspects, kabilang na ang second secretary ng North Korean embassy sa Kuala Lumpur, at isang empleyado ng Air Koryo na pag-aari ng NoKor.
Aniya, umaasa silang makikipagtulungan sa kanila ang Korean embassy at payagan silang makapanayam ang mga sinasabing suspek.
Sakali aniyang hindi makipagtulungan sa kanila ang embahada, pipilitin nila ang mga suspek na pumunta sa kanila.
Hinala ng Malaysian police, ang dalawang babaeng suspek na lumapit kay Kim Jong-nam noong siya ay nasa paliparan, ay sanay sa paglalagay ng lason sa kanilang mga kamay at saka ipapahid sa kanilang biktima.
Dagdag pa ni Khalid, naniniwala silang planado talaga ang pag-atakeng ito, at sumailalim sa pagsasanay ang mga gumawa nito.
Gayunman, hindi pa naman nila makumpirma kung ang pamahalaan din mismo ng North Korea ang may gawa nito, ngunit nakatitiyak sila na kinasasangkutan ito ng mga
Sa ngayon ay apat na ang naaresto nilang mga suspek, kabilang na ang dalawang babae na pawang mga Indonesian at Vietnamese.
Nananatili namang misteryo maging sa mga magagaling na toxicologists kung anong lason ang ginamit ng mga suspek, at kung paano nila nagawa ito nang hindi rin naaapektuhan.
Hinigpitan na rin ng pulisya ang seguridad sa morgue kung saan naroon ang bangkay ni Kim Jong-nam, matapos ang tangkang panglo-loob na nangyari nitong linggo.
Nagdulot rin ng tensyon sa pagitan ng Malaysia at North Korea ang pag-atake, dahil tumanggi ang Malaysia na ibigay sa North Korea ang bangkay ni Kim Jong-nam, at ipinagpatuloy pa rin ang autopsy dito sa kabila ng pagtutol ng ambassador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.