Pro-Duterte event sa Sabado at Linggo, kasado na

By Jay Dones February 23, 2017 - 01:30 AM

 

Inquirer file photo

Kasado na ang aktibidad ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Sabado at Linggo February 25 at 26.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing, Sabado pa lamang inaasahang dadagsain na ng mga pro-Duterte ang magaganap na vigil at concert na isasagawa sa Quirino Grandstand.

Gayunman, sinabi ni Densing na sesentro ang okasyon sa pagbibigay-suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte at ng administrasyon laban sa iligal na droga at kontra korapsyon at  hindi ukol sa EDSA commemoration.

Inaasahan rin aniyang magtutungo pa sa Maynila mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga sumusuporta sa pangulo upang dumalo sa okasyon.

Nilinaw rin ni Densing na naitaon ang pro-Duterte rally at vigil sa Quirino Grandstand sa mismong araw ng anibersaryo ng EDSA Uno dahil marami sa mga susuporta sa vigil rally ang magmumula pa sa Visayas at Mindanao.

Sa February 26, araw ng Linggo, magaganap naman ang rally na dadaluhan rin ng mga Duterte supporters mula sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.