De Lima pinag-iingat ni Aguirre sa mga mala-‘inciting to sedition’ statements nito
Pinag-iingat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Senador Leila De Lima sa mga binibitiwan nitong banat kay Pangulong Duterte.
Ito’y dahil may mga pahayag aniya ang senadora na maituturing nang ‘inciting to sedition’.
Sa halip aniyang maghayag ng mga walang basehang mga statement, dapat tutukan na lamang ng senadora ang pagtugon sa kinakaharap nitong kasong may kinalaman sa droga.
Hindi rin dapat aniyang nagmimistulang isang batang iyakin ang mambabatas at harapin ang kanyang sitwasyon na nararapat para sa isang senador ng bayan.
Matatandaang tinawag kamakailan ni Senador De Lima ang pangulo sa isang press conference sa Senado na isang ‘psychopathic murderer’ at diktador.
Nanawagan rin ito sa sa publiko na ipaglaban ang karapatang pantao at demokrasya sa ilalim ng aniya’yrehimen ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.