Estudyante patay, 3 pa sugatan sa pagsabog ng bala ng grenade launcher sa Zamboanga Del Sur

 

Patay ang isang estudyante samantalang tatlo pa sa mga kapwa nito mag-aaral ang nasugatan nang sumabog ang isang M203 fragmentation grenade sa loob ng compound ng Poblacion Lakewood National Comprehensive High School sa Zamboanga Del Sur, Miyerkules.

Nasawi sanhi ng mga tama ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rodulfo Halius, 17-anyos habang ginagamot sa pagamutan.

Nagtamo rin ng mga pinsala sa katawana ang tatlo pang biktima na sina Johnny Daluyon, 13, Alona Fe Clarabal 14 at Treshea Mae Clamonte.

Ayon kay Lt., Col. Benedicto Manquiquis, hepe ng Public Affairs Office ng 1st Infantry Division, natagpuan umano ng mga ito ang granada na nakabaon sa lupa sa Mt. Serungan at dinala sa eskwelahan.

Napaglaruan umano ng mga kabataan ang naturang bala ng grenade launcher na dahilan upang ito’y biglaang sumabog.

Read more...