NUJP, uungkatin ang koneksyon umano ni Pangulong Duterte sa pagpatay sa brodkaster na si Jun Pala

By Alvin Barcelona February 23, 2017 - 04:23 AM

 

nujp-logoPina-iimbestigahan ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang sinasabing kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpatay sa brodkaster sa Davao na si Jun Pala.

Kasunod ito ng bagong testimonya ni SPO3 Arthur Lascanas na nagdadawit kay pangulo sa nasabing pamamaslang.

Sa isang pahayag, sinabi ng NUJP na walang pinagkaiba ang testimonya ni Lascanas sa mga sinabi ng nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.

Sina Matobato at Lascanas ayon sa NUJP ay mga potensyal na saksi sa tunay na nangyari kay Pala.

Ang mga pagdududa na walang mararating ang imbestigasyon sa kaso ni Pala ay ang kaparehong kaisipan kaya nagpapatuloy ang extrajudicial killing sa bansa.

Iginiit ng NUJP na kung totoo na si pangulo ang nag-utos sa pagpatay kay Pala, ito ay dapat na litisin at hatulan.

Dagdag ng NUJP, ano man umano ang kasalanan nito, ang malinaw si pala tulad ng iba pang mamamayahag na napatay mula noong 1986 ay pinagkaitan ng due process at ang pagtatanggol sa pagpatay dito ay pagtatanggol din sa lahat ng kaso ng pagpatay sa mga journalist.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.