DepEd: Mga estudyante na hindi sasama sa field trips di pwedeng parusahan

By Alvin Barcelona February 22, 2017 - 08:37 PM

High-school-students-Inquirer-file-photoIpinaalala ng Departmane of Education (DepEd) ang mga magulang at mga school personnel na hindi sapilitan ang pagsama sa mga field trip.

Ginawa ng DepEd ang pahayag kasunod ng field trip sa Tanay, Rizal na nauwi sa pagkasawi ng labingapat na college students, isang guro at ang driver ng sinasakyan nilang bus.

Kaugnay nito, nanawagan din ang DepEd sa mga eskwelahan na tiyaking ligtas ang mga bus na gagamitin nito sa mga field trip at nasa maayos na kalagayan ang mga driver nito.

Malinaw sa DepEd Order (DO) No. 52, series of 2003 na walang kaparusahan ang mga estudyante na hindi makakasama sa mga field trip at hindi rin ito dapat na basehan sa mga test.

Sa halip, dapat na bigyan ng alternatibong aktibidad ang mga mag aaral na hindi makakasama sa mga ito.

Malinaw din sa direktiba ng DepEd na dapat may paalam mula sa mga magulang ang mga field trip at ginagawa sa mga cultural o historical sites at hindi sa mga malls o mga noontime shows.

Nakalagay naman sa DepEd memorandum no. 529 series of 2009 ang mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya laban sa pagdadagdag ng gastusin sa magulang ng mga mag-aaral.

TAGS: CHED, deped, field trips, CHED, deped, field trips

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.