Robredo naghihintay ng imbitasyon mula sa Malacañang para sa EDSA celebration

By Alvin Barcelona February 22, 2017 - 04:56 PM

Leni Robredo1
Inquirer file photo

Interesado si Vice President Leni Robredo na dumalo sa mga aktibidad para sa ika-tatlumpu’t isang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa ambush interview sa Kamara, sinabi ni Robredo na nais niyang makibahagi sa selebrasyon.

Inatasan na umano niya ang kanyang staff na alamin kung anu-ano ang mga aktibidad para sa EDSA People Power Revolution at kahit sa isang misa ay gusto niyang dumalo.

Gayunman, inihayag ni Robredo na wala pa siyang natatanggap na imbitasyon mula sa Malacañang.

Matatandaang ilang beses na hindi naiimbitahan si Robredo sa mga okasyon ng na inorganisa ng Palasyo.

Si Robredo ay nasa Kamara kanina para dumalo sa pagdinig ng House Committee on People’s Participation.

TAGS: edsa, Malacañang, Robredo, edsa, Malacañang, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.