Malacañang: SPO3 Lascañas di kasama sa inner circle ng pangulo

By Chona Yu February 22, 2017 - 04:03 PM

Arthur Lascanas
Inquirer file photo

Mariing pinabulaanan ng Malacañang na nagsilbing kanang-kamay at pinagkatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duyerte si SPO3 Arthur Lascañas na umanoy miyembro ng Davao Death Squad.

Paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kung mayroon mang higit na nakakaalam sa mga galaw ng pangulo ito ay walang iba kundi si Special assistant to the president Christopher “Bong” Go.

Sinabi ng kalihim na kahit siya na matagal ng personal friend ng chief executive ay aminadong walang makakapantay sa tiwalang ibinigay ng pangulo kay Go.

Kaya lubhang napakalayo aniya sa katotohanan ang pinalalabas na ang pinaka malapit na tauhan ni Duterte ay si Lascañas.

Una nang sinabi ni self-confessed DDS hitman Edgar Matobato na si Lascañas umano ang kanang kamay ni Duterte noong siya pa ang mayor sa Davao City./

TAGS: bong go, dds, duterte, lascañas, bong go, dds, duterte, lascañas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.