P1,000 paunang dagdag na SSS pension pirmado na ni Duterte

SSS pension signedInaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang P1,000 na paunang dagdag sa pension para sa mga pensioners ng Social Security System (SSS).

Bahagi ito ng P2,000 dagdag na pension na nauna nang ipinangako ng pangulo.

Base sa memorandum, ngayong araw lamang nilagdaan ang kautusan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ang P1,000 dagdag pension ay retroactive simula buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.

Kasama sa mga makatatanggap ng dagdag pension ang mga retirees, ang mga survivors at ang mga permanently disabled pensioners.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni SSS Chairman Amado Valdez na nagkaroon ng bahagyang delay sa nasabing dagdag na benepisyon dahil sa pag-review nila sa mga implementing rules and regulations.

 

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Read more...